Manila, Philippines – Kinumpirma ngayon ni National Capital Region Police Office Chief Police Director Oscar Albayalde sa isang interview sa Malacanang na mayroong hanggang dalawang Mayor sa Metro Manila ang kanilang minomonitor dahil ang mga ito ay nagkakanlong o nagsisilbing protector ng mga indibidwal na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Ayon kay Albayalde, walang direktang ugnayan ang mga hindi pinangalanang Mayor sa operasyon ng iligal droga tulad ng paggamit at bentahan nito.
Pero sinabi naman ni Albayalde na marami sa mga konsehal at mga opisyal ng barangay sa Metro Manila ang sangkot sa transaksyon ng iligal na droga.
Kaya naman tiniyak ni Albayalde na walang sisinuhin ang PNP katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pagtatrabaho para labanan ang iligal na droga at masukol ang mga konsehal at barangay officials sa Metro Manila na sangkot dito.