DALAWANG MENOR DE EDAD KASAMA ANG TATAY NG ISA SA MGA BIKTIMA, PATAY MATAPOS MALUNOD SA BINALONAN

Patay ang tatlo katao kabilang ang dalawang Menor de Edad matapos silang malunod sa bayan ng Binalonan.
Nakilala ang mga biktima na sina Raymundo Ramos at anak nitong si Prince at pinsan ni Prince na nakilalang si Ravie Abanilla mga residente ng Brgy. Moreno sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon na nag picnic ang mag anak sa bahagi ng Alibeng River sa nasabing bayan ng biglang magkasundo ang magpinsan na maligo sa ilog.

Napansin na lamang na nalulunod ang dalawa at natangay ng malakas na agos papunta sa malalim na bahagi ng ilog.
Dito na sinubukang isalba ng Raymond ang dalawa subalit nahila din siya ng dalawang nalulunod na Menor de edad.
Sa tulong ng MDRRMO, PNP at BFP ay nahanap ang katawan ng mga ito na agad naisugod sa pagamutan subalit idineklara silang tatlo na Dead on Arrival. |ifmnews
Facebook Comments