Dalawang menor de edad, nasagip ng PNP mula sa online child trafficking

Na-rescue ng mga awtoridad ang dalawang Caloocan City students na may edad 13 at 16 na biktima ng sexual abuse at exploitation ng kanila mismong mga magulang, guardians at kapitbahay.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Roderick Alba, binebenta ng mga suspek ang malalaswang video ng mga menor de edad online sa kanilang mga kliyenteng foreigner.

Ani Alba, nakatanggap ng tip ang Women and Children Protection Center sa kalaswaang ginagawa ng mga suspek sa mga biktima mula sa Antipolo City Social Welfare and Development Office.


Nitong isang linggo lamang, nasagip ng Women and Children Protection Center Mindanao field unit ang 2 pang menor de edad at isang adult na pawang mga biktima din ng Sexual Abuse and Exploitation.

Samantala, pinapurihan naman ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang naging matagumpay ng operasyon ng mga awtoridad.

Aniya, mandato ng PNP na protektahan lalo na ang vulnerable sectors at mapanagot ang mga kriminal.

Siniguro pa nito na mananagot sa batas ang mga nasa likod ng child trafficking.

Facebook Comments