DALAWANG MENOR DE EDAD, PATAY MATAPOS MALUNOD SA ILOG SA SAN CARLOS CITY

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Nabigo ang mga rescuers na isalba ang buhay ng dalawang menor de edad matapos malunod sa bahagi ng ilog sa Brgy. Palospos, Lungsod ng San Carlos.

Nakilala ang dalawa na sina Christian Dave Paulo Agbuya at Aljon Sumampong Salinas, parehong residente ng Brgy. Balangay sa bayan ng Urbiztondo.

Ayon sa report, lumangoy ang dalawang biktima sa nasabing ilog kasama ang tatlo pang menor de edad.


Nagawang umanong makaahon ang tatlo pero bigo namang makaahon dalawang biktima.
Nagsagawa ng search and rescue operations ang mga otoridad ngunit hindi na nila naisalba ang buhay ng mga ito.

Hindi narin isinailalim pa sa otopsiya ang mga bangkay ayon na rin sa kagustuhan ng magulang ng mga biktima.###

Facebook Comments