DALAWANG MENOR, NAGNAKAW NG MGA ALAGANG KAMBING SA MANAOAG

Huli ang dalawang menor de edad matapos na nakawin ang mga alagang kambing sa bayan ng Manaoag.

Ang 62 anyos na may-ari ng mga kambing, agad na sumangguni sa awtoridad matapos na mapagtanto na nawawala ang dalawang alaga nito sa pinaglagakan nito sa madamong bahagi ng kalsada.

Agad na nagsagawa ng follow up at hot pursuit ang hanay ng pulisya at dito agad naaresto ang dalawang sangkot.

Nakumpiska sa mga ito ang motorsiklo na ginamit sa pagtakas at isa sa ninakaw na kambing.

Hindi na narekober ang isa pa sa ninakaw na kambing matapos na maibenta sa katayan sa halagang 2,500 pesos.

Pansamantalang nasa ilalim ng kostudiya ng Manaoag PS ang mga nahuling sangkot para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments