Ikinokonsidera na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang bansa sa oras na makapagbigay na ng dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccine sa mga Pilipino.
Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles kasunod nang tanong kay Pangulong Duterte kung pabor ba itong ibalik na ang face-to-face classes na natigil dahil sa epekto ng COVID-19.
Ayon kay Nograles, nais muna ng Pangulo na makitang epektibo ang pagsasagawa ng vaccine rollout bago unti-unting ibalik sa normal ang estado ng bansa.
Sinabi naman ni Nograles na masusi ang magiging pagpili ng Department of Education (DepEd) sa mga eskwelahan na pagdarausan ng pilot face-to-face classes.
Facebook Comments