Dalawang Milyong Korean Tourist, target ng Pilipinas sa katapusan ng taon

Target ng Pilipinas na maka-akit ng dalawang Milyong Turistang Koreano sa katapusan ng taon.

Ayon kay Philippine Ambassador to South Koea Noe Albano Wong, sa unang siyam na buwan ng taon, lumampas na ang bilang ng arrivals ang naitala ng Pilipinas kumpara sa kaparehas na panahon noong 2018.

Mula noong Disyembre 2018 ay umabot na sa 1.6 Million Korean Tourist ang bumisita sa bansa.


Isa sa mga dahilan ay ang maraming Airline Services na may biyaheng Pilipinas at Korea.

Kasalukuyan, mayroong 12 Carrier na lumilipad sa pagitan ng dalawang bansa.

Aabot naman sa 93,000 South Koreans ang naninirahan sa Pilipinas para sa negosyo, pag-aaral, at libangan.

Facebook Comments