Dalawang milyong pisong halaga ng shabu, nakumpiska sa isang drug suspek sa Zamboanga City

Arestado ang isang lalaki matapos makuhaan ng halos 280 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Zamboanga City Police Station sa Sitio Asinan, Barangay Kasanyangan, Zamboanga City, kahapon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 9 Spokesperson Police Captain Edwin Duco, ang naarestong suspek ay kinilalang si Fahad Sawadjaan Werble.

Siya ay 20-anyos at residente ng Barangay Sta. Barbara Zamboanga City na nasa listahan ng high-value individual.


Nakuha sa kanya ang 280 na gramo ng shabu na nakalagay sa anim na pack plastic sachet at isang libong pisong boodle money na ginamit ng mga pulis sa buy-bust operation.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Zambonga City Police Station 6 at nahaharap sa kasong RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ang mga nakumpiskang shabu ay nasa Zamboanga City Crime Laboratory para sa laboratory examination.

Facebook Comments