Dalawang Miyembro Ng Communist Party Of The Philippines, Naaresto

13

MANILA – Naaresto sa lungsod ng Davao ang dalawang miyembro ng communist party of the Philippines.Isa sa mga ito ay nakilalang si Ariel Arbitrario, alyas Marlon – consultant ng National Democratic Front of the Philippines sa peace talks negotiation na kabilang sa labing siyam (19) na pinalaya noong nakaraang taon.Habang ang isa pang naaresto ay si Roderick Mamuyac, alyas Kaloy – na regional liaison officer ng NPA sa Southern Mindanao.Sinabi naman ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao – na walang maipakitang warrant of arrest ang mga otoridad laban kay Arbitrario.Paliwanag ng Armed Forces of the Philippines – may warrant of arrest naman ang kasama ni Arbitrario na si Mamuyac.

Facebook Comments