Dalawang miyembro ng communist terrorist group, naaresto sa Quezon Province

Hawak na ng Quezon Province Police ang umano’y dalawang miyembro ng communist terrorist group (CTG) sa bansa, matapos palakasin nito ang Oplan Manhunt Charlie.

Nakilala ang mga suspek na sina Ruel Custodio, 31-anyos, taga-Calamba, Laguna at Ruben Istokado, 38-anyos, residente ng Barangay Paradijon, Gubat, Sorsogon.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang granada, kalibre 38 baril, tatlong magazine na may lamang 13 bala, isang caliber 45 at isang caliber 9mm.


Ayon kay Quezon PNP Provincial Director Police Colonel Audie Madrideo, naaresto ang mga suspek pasado alas-3:30 ng hapon kahapon sa Barangay Zone 3 Poblacion, Atimonan, Quezon.

Aniya ang suspek na si Custodio ay responsable sa kidnaping incident, extortion at iligal na pagdadala ng mga armas noong 2019.

Habang si Iskotado ay may kasong double murder at multiple murder case noong 2014.

Facebook Comments