Dalawang miyembro ng gambling group, naaresto ng PNP-CIDG sa Leyte

65

Huli sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawang miyembro ng gambling group sa Brgy. Sagkahan at Brgy. Parag-um sa Carigara, Leyte.

Kinilala ang mga ito na sina Randy Bacay at Ramil Perit.


Naaresto sila dahil sa mga kasong paglabag sa Cockfighting law of 1974 na inisyu ni Municipal Trial Court Carigara Judge Fidelina Quintana-Molina.

Si Bacay at Perit ay parehong miyembro ng Perit Gambling group na nag-o-operate sa Carigara, Leyte.

Sa ngayon, nakakulong na ang dalawa at nahaharap sa kanilang mga kaso.

Facebook Comments