Dalawang miyembro ng robbery at kidnap for ransom group, patay sa pakikipag-engkwentro sa mga pulis sa Antipolo

Nasawi ang dalawang armadong lalaki matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa checkpoint operation sa Marcos Highway, Sitio Painuman, Brgy. Inarawan, Antipolo.

Ayon kay Police Col. Villaflor Banawagan, head ng AKG Luzon Field Unit, nangyari ang engkwentro kaninang alas-5:40 ng umaga.

Pinara ng mga pulis ang 2 lalaki na nakasakay ng motorsiklo na walang plaka pero hindi huminto ang mga ito sa checkpoint.


Bago ito, nakatanggap sila ng intelligence report na may riding-in-tandem na magsasagawa ng robbery hold up sa lugar.

Pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis dahilan para gumanti sila ng putok.

Dito na nasawi ang dalawang suspek na kinilalang sa mga alyas Kelly at Roy, mga pinaniniwalaang miyembro mg Mokong Group.

Ang Mokong Group ay sangkot sa robbery, kidnap for ransom at maging iligal na droga na matagal nang target ng AKG.

Pinamumunuan ito Ryan Dela Cruz na subject na ng warrant of arrest.

Narekober ng mga pulis sa encounter site ang kalibre .45 na baril, sub machine gun at mga bala.

Facebook Comments