Dalawang miyembro ng US-FDA, nagbitiw sa puwesto matapos aprubahan ang Alzheimer’s drug na Aduhelm

Nagbitiw sa puwesto ang dalawang miyembro ng US Food and Drug Administration (FDA) kasunod ng pag-apruba nito sa bagong gamot sa Alzheimer’s disease.

Ayon kay Mayo Clinic Neurologist Dr. David Knopman, dismayado siya sa pag-apruba sa Aduhelm sa kabila ng pagtutol dito ng 11 miyembro ng advisory committee dahil sa anila’y “inconclusive evidence” na epektibo ang gamot.

Una nang nagbitiw noong Martes si Washington University Neurologist Dr. Joel Permutter.


Hindi naman nagkomento ang US-FDA ukol sa pagbibitiw ng dalawa nilang miyembro.

Facebook Comments