Naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang dalawang Regional Most Wanted Persons mula sa Rehiyon 1 at Cordillera Administrative Region (CAR) sa magkahiwalay na operasyon noong bisperas ng pasko, kaugnay ng panggagahasa at ilegal na pagpuputol at pangongolekta ng kahoy at iba pang produkto ng kagubatan nang walang lisensya.
Sa Pagudpud, Ilocos Norte, pinangunahan ng joint operatives ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest kung saan naaresto ang isang lalaki na tinukoy bilang ika-10 Most Wanted Person sa Ilocos Region para sa kasong panggagahasa.
Walang itinakdang piyansa ang kasong isinampa sa akusado.
Samantala, sa Sabangan, Mountain Province, arestado naman ang ika-3 Most Wanted Person ng CAR para sa paglabag sa Section 68 ng PD 705, kaugnay ng ilegal na pagpuputol at pangangalap ng kahoy at iba pang produkto ng kagubatan.
Dinala sa kustodiya ng kanya kanyang himpilan ang mga naarestong indibidwal para sa dokumentasyon at disposisyon.










