DALAWANG MOST WANTED SA KASONG FALSIFICATION OF COMMERCIAL DOCUMENTS, ARESTADO

Cauayan City — Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na kabilang sa Most Wanted list dahil sa kasong 31 counts ng Falsification of Commercial Documents sa Barangay District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Bobby” at “Ana,” kapwa 43 years old at residente ng nasabing barangay, sila ay nahaharap sa kasong falsification na may kaukulang piyansang Php 36,000 para sa bawat kaso.

Sa bisa ng isang masusing manhunt operation, matagumpay na naaresto ang mga suspek at agad na dinala sa CIDG Isabela Provincial Field Unit para sa karampatang dokumentasyon bago iturn-over sa korte kung saan nakabinbin ang kanilang mga kaso.


Samantala, sa kabila ng kanilang pagkakaaresto, agad na nakalaya ang mga suspek matapos makapag piyansa ng humigit-kumulang P2.3 million pesos.

Facebook Comments