DALAWANG MOST WANTED SA PANGASINAN, ARESTADO

Arestado ng mga awtoridad ang dalawang most wanted persons sa lalawigan ng Pangasinan sa magkahiwalay na operasyon.

Unang naaresto ang Top 1 Most Wanted Person – Municipal Level sa bayan ng San Manuel. Kinilala ang suspek bilang isang 56-anyos na lalaki na residente ng nasabing bayan. Nahuli ito sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kasong Statutory Rape, kung saan walang inirekomendang piyansa. Sa ngayon, nasa kustodiya siya ng San Manuel Municipal Police Station.

Samantala, naaresto rin ang Top 8 Most Wanted Person – Provincial Level sa probinsya. Ang suspek ay isang 49-anyos na delivery boy at residente ng Bolinao, Pangasinan. Naaresto siya ng mga pulis sa bahagi ng Urbiztondo sa bisa rin ng warrant of arrest para sa kasong Murder, na may no bail recommendation. Nasa kustodiya na ngayon ng Urbiztondo Municipal Police Station ang akusado.

Patuloy ang pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted na personalidad sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments