Dalawang Most Wanted sa Roxas, Isabela, Natimbog Na!

17

Roxas, Isabela- Nadakip na ng kapulisan ang top 2 at top 3 most wanted sa bayan ng Roxas pasado alas otso kwarenta kaninang umaga sa Roxas, Isabela.

Ang mga nadakip ay nakilalang sina Wilson Natividad, dalawampu’t tatlong taong gulang, walang asawa, magsasaka at si Allan Biso, dalawamputpitong taong gulang, may asawa, walang trabaho at pawang mga residente ng Barangay San Rafael Roxas, Isabela.

Nadakip ang dalawang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hukom Bernabe Mendoza ng Regional Trial Court Branch 23 ng Roxas, Isabela noong ika- tatlumpu ng Mayo taong kasalukuyan.

Agad na dinala sa PNP Roxas ang dalawang suspek para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ang mga ito ng pyansang nagkakahalaga ng isang daang libong piso para sa kasong pagpatay at anim na pung libong piso naman para sa kasong bigong pagpatay.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong Murder at frustrated Murder sina Natividad at Biso.

Facebook Comments