DALAWANG MOST WANTED SA SAN FABIAN, ARESTADO SA MAGKASUNOD NA OPERASYON NG PULISYA

Timbog ang dalawang most wanted na lalaki sa sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa San Fabian, Pangasinan

Kabilang sa naaresto ang 19-anyos na lalaki na tinukoy bilang Top 10 Municipal Most Wanted Person,dahil sa kasong Statutory Rape na walang kaukulang piyansa.

Ayon kay PLT Fidel Mejia, Duty Officer ng San Fabian MPS, ang operasyon ay nangyari sa Barangay Cayanga kung saan kasama pa ng suspek ang kanyang live-in partner.

Kasunod nito, nahuli naman ang Top 1 Municipal Most Wanted Person na lalaki dahil sa paglabag sa RA 10883 (Anti-Carnapping Law).

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga akusado para sa kaukulang proseso ng kinakaharap na kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments