Dalawang Motor na Nagbanggaan, Tatlo Sugatan!

Tuao, Cagayan – Tatlong kalalakihan ang nagtamo ng matinding sugat sa
katawan matapos magbanggaan ang dalawang motor sa kahabaan ng National
Highway, Purok 6, Bulagao, Tuao, Cagayan kamakailan lamang.

Sa impormasyong ipinarating ng Police Regional Office 2 sa RMN Cauayan,
kinilala ang mga biktima ng aksidente na sina Marlon Fiesta Manmano, 32
anyos may asawa, residente ng Gumarueng, Piat, may hawak na temporary
professional drivers licence at drayber ng kulay asul na Kawasaki Rouser
180 single motorcyle na walang plaka; Ian Baloran Libang, 22 anyos, walang
asawa, isang magsasaka, residente ng Gadangao, Rizal at driver ng itim na
Honda Wave X110 single motorcycle na wala ring plaka; at kasama ni Libang
sa motor na si Excel Santos Nambio, 28 anyos, may asawa at residente ng
Gaddangao, Rizal, Cagayan.

Sa imbestigasyon ng PNP Tuao, napag-alaman na binabaybay ni Manmano ang
national highway patungong norte samantalang patimog na direksyon nman si
Libang kung saan pagdating sa nasabing lugar ay nahagip nito si Manmano.


Sa resulta nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang parte ng katawan ang
tatlo kung saan dinala agad sa Tuao District Hospital ngunit inilipat sa
Cagayan Valley Medical Center o CVMC si Nambio dahil sa mas malalang sugat
nito.

Facebook Comments