Dalawang motorista ang sugatan matapos sumalpok sa concrete barrier sa magkaibang bayan sa Pangasinan.
Sa Sual, isang SUV ang nawalan ng kontrol sa kurbadang bahagi ng national highway dahil sa madulas umanong kalsada. Hindi naman nasugatan ang driver ngunit wasak ang bahagi ng sasakyan nito.
Samantala, sugatan din ang rider sa kurbadang bahagi ng daan sa Brgy.Amalbalan,Dasol matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima at naitakbo naman sa pagamutan. Lumalabas na nakainom ng alak ang rider nang mangyari ang insidente.
Nasa kustodiya na ng awtoridad para sa tamang disposiyon.
Patuloy naman ang paalala ng awtoridad sa wastong proteksyon sa katawan at pag-iwas sa pagmamaneho kapag nakainom ng alak upang makaiwas sa aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









