DALAWANG MOTORISTA, SUGATAN SA BIGLANG PAGSULPOT NG ISANG ASO SA GITNA NG DAAN

Sugatan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang rider at backride nito habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Don Matias, Burgos, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bigla umanong sumulpot sa gitna ng daan ang isang aso, dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver sa minamanehong motorsiklo.

Tumilapon sa kalsada ang dalawang sakay dahil sa insidente.

Agad na naitakbo sa pagamutan ang dalawa na pawang walang suot na helmet nang mangyari ang insidente.

Kasalukuyang nagpapagaling ang mga biktima habang nasa kustodiya na ng kapulisan ang napinsalang sasakyan para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments