DALAWANG MOTORSIKLO AT ISANG TRICYCLE, NAGKARAMBOLA SA VILLASIS; ILANG RIDER, SUGATAN

Sugatan ang ilang kabataan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo at isang tricycle sa kahabaan ng Villasis–Asingan Road sa Barangay San Blas, Villasis, Pangasinan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente nang bumangga ang isang tricycle na galing sa panloob na kalsada sa isang motorsiklo na noon ay bumabaybay sa main road.

Dahil dito, sumunod na sumalpok ang isa pang motorsiklo sa likurang bahagi ng tricycle.

Lumalabas sa ulat na ang mga sangkot na motorista ay kapwa walang suot na helmet, walang lisensya, at umano’y nakainom bago ang insidente.

Dinala sa Urdaneta District Hospital ang mga sugatang rider at ang kanilang angkas para sa medikal na pagsusuri, habang ang drayber ng tricycle ay hindi naman nasaktan.

Nasa kustodiya na ng Villasis Police Station ang mga nasangkot na sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at ang pagproseso ng kaukulang dokumento para sa posibleng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments