Dalawang motorsiklo kinarnap sa Cotabato city

Dalawang motorsiklo ang nakarnap sa area ng PP2 nitong nakalipas na araw ng lunes sa magkakahiwalay na lugar, unang biktima ang isang pintor na nakilalang si Fahad Shala Lumanggal 29 anyos na nakatira sa barangay Kalanganan dos at natangay ang kanyang kulay black and white na Honda 100cc single motorcycle na may plate number 7519-LL.Bandang alas singko ng hapon ng Nakaparada lamang daw sa tapat ng parking area ng RVM School sa RH-13 ang naturang motorsiklo ng natangin ng hindi pa nakikilalang kawatan ng motor. Sumunod na nabiktima ay si Michael Pendaliday Aliman na residente ng purok Balikatan Barangay Rosary Heights Mother ng lungsod kung saan natangay ang Honda XRM 125 na may plakang MA-42425.Ayon sa kanyang report, nakaparada lamang daw sa loob ng kanilang compound ang naturang motorsiklo at bandang alas 8:10 ng gabi ng matuklasan niyang nawawala na ang nasabing XRM. Sa ngayon ay patuloy ang paffollow-up ng kapulisan sa panibagong kaso ng nakawan ng motorsiklo.

Facebook Comments