Dalawang Motorsiklo na Nagbanggaan sa Cauayan City Isabela, Isang Drayber-Sugatan!

Cauayan City, Isabela – Sugatan kagabi ang isang drayber ng motorsiklo matapos itong mabangga ng kasalubong na motorsiklo habang ito ay akmang liliko sa may corner ng Basillo Reyes Street, District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang sugatang driver na si Arnold Ferraro Agustin Jr., bente sais anyos, walang asawa at residente ng Sillawit, Cauayan City habang ang drayber ng kasalubong na Honda CRV ay si Joji Huang De Jesus, bente otso anyos, binata, isang businessman at residente ng San Fermin, Cauyan City, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, bumabaybay umano si De Jesus sa nabanggit na lugar ng aksidente kung saan ay patungong south directon samantalang nasa pakurbang bahagi naman ng daan si Agustin at nang aktong liliko ang mga ito ay nagkasalubong at aksidenteng nagkabanggaan.


Dahil dito ay nagtamo ng sugat sa katawan si Agustin na kaagad namang nirespondehan ng Rescue team at itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan sa lungsod ng Cauayan.

Samantala, nakapag-usap naman ang magkabilang panig para sa kanilang amicable settlement.

Facebook Comments