Dalawang motorsiklo nagbanggaan, mga driver parehong patay

109

Pandan, Antique – Parehong patay ang driver ng dalawang motorsiklo matapos na magbanggaan bandang alas 11:10 kagabi sa national highway ng Centro Norte, Pandan, Antique. Ang mga biktima ay kinilalang sina Rey John Salazar, 27-anyos ng Brgy. Bagumbayan,Pandan at Patrick Paderes, 25-anyos ng Brgy. Bari, Sibalom. Ayon kay PLT. Danny Eguis, OIC ng Pandan MPC na base sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay mga biktima ay bumibiyahe sa opposite na direksyon o magkasalubong. Itong si Salazar sakay ng kanyang Honda XRM na motorsiklo at itong si Paderes ay sakay naman ng kanyang Smash Suzuki motorcycle at pagdating sa lugar ay nagbanggaan ang mga ito (head on collision). Dahil sa lakas ng impact ay nilipad ang mga ito at parehong nagtamo ng fatal na pinsala sa ulo at iba pang parte ng katawan na naging dahilan ng kanilang pagkamatay. Sa ngayon ay hinihintay pa ng Pandan PNP ang resulta ng post mortem examination sa katawan ng mga biktima at kung ang mga ito ay naka inum ng mangyari ang aksidente.

Facebook Comments