DALAWANG MOTORSIKLO SA NATIVIDAD, NAGBANGGAN DAHIL SA MABILIS NA PAGPAPATAKBO

Dalawang motorsiklo ang sangkot sa isang aksidente na naganap bandang alas-11:00 ng umaga kahapon, Enero 12, sa kahabaan ng provincial road na nagdurugtong sa Natividad at San Quintin, partikular sa Brgy. San Miguel, Natividad, Pangasinan.

Batay sa salaysay ng mga saksi, kapwa patungong timog ang direksyon ng dalawang motorsiklo at umano’y mabilis ang takbo bago mangyari ang insidente. Ang unang motorsiklo, ay minamaneho ng isang 22-anyos na estudyante, at angkas nito ang isa pang lalaki na Kapwa may suot na helmet at may hawak ng wastong lisensya ang drayber.

Ayon sa imbestigasyon, bigla umanong umiwas ang drayber ng unang motorsiklo sa sasakyang nasa unahan niya na hindi inaasahang kumaliwa. Dahil dito, nawalan siya ng kontrol sa manibela at bumagsak sa kalsada.

Sa kasunod na pangyayari, nabangga naman ng ikalawang motorsiklo ang bumagsak na motorsiklo.

Dahil sa insidente, kapwa nagtamo ng pinsala ang dalawang drayber at agad na isinugod sa ospital upang mabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong pananagutan sa insidente at muling pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa pagmamaneho, lalo na sa mga provincial road kung saan madalas ang biglaang pagliko ng mga sasakyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments