LINGAYEN, PANGASINAN – Nakinabang ang dalawang micro, small, and medium enterprises sa Pangasinan sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program ng Department of Science and Technology–Pangasinan kung saan may kabuuang pondo na higit pitong daang libong piso o P715,560.00.
Iginawad sa isang tablea processor sa bayan ng Mangaldan na tumanggap ng P449,000.00 at isang souvenir items at signage maker sa munisipyo ng Laoac na tumanggap naman ng P266,560.00 mula mismo sa SETUP fund ng DOST.
Ang naturang SETUP fund ay siyang mula sa DOST na naglalayong mapahusap pa ang produktibidad, produksyon, at kabuuang kita ng mga tinutulungang MSMEs at nagpapatibay ng mga teknolohikal na pagsulong nang sa gayon ay mapabuti ang mga operasyon sa negosyo.
Sa ilalim ng memorandum of agreement na nilagdaan ng mga kumpanya sa DOST, inaasahang nilang magagamit ang mga naturang pondong ipinamahagi ay para makakuha ng mga technological intervention na may kaugnayan sa kanilang partikular na industriya.
Samantala, patuloy na susubaybayan ng PSTO-Pangasinan ang progreso at pagpapatupad ng mga pinondohan na proyekto nang sa gayon ay makita talaga ang progreso nito at kung magkakaroon nga ba ng positibong epekto ang pagpopondo at pagsuporta sa mga MSMEs sa Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments