DALAWANG MSMEs SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, MAKIKINABANG SA ILALIM NG SETUP PROGRAM NG DOST

Makikinabang ang dalawang MSMEs sa lalawigan ng Pangasinan sa ilalim ng programang Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ng Department of Science and Technology (DOST)–Pangasinan.
Dito paghahatian ng dalawang napiling Micro, Small, Medium Enterprises ang kabuuang pondong P715,560.00 kung saan ayon kay Jennifer Fernandez, science research specialist II ng DOST-Pangasinan Provincial Science and Technology Office (PSTO) na ang Mimi’s Cacao Processing, isang tablea processor sa bayan ng Mangaldan ay makakatanggap ng P449,000.00 at sa Tees Digital Arts and Prints, isang souvenir items at signage maker sa munisipyo ng Laoac na nakatanggap ng P266,560.00.
Idinagdag niya na ang programa ay naglalayong pahusayin ang produktibidad, kahusayan sa produksyon, at kabuuang kita ng mga napiling MSMEs.

Binigyang-diin niya na sa ilalim ng memorandum of agreement na nilagdaan ng mga kumpanya sa DOST, inaasahang gagamitin ng mga recipient firm ang mga pondo upang makakuha ng mga teknolohiyang interbensyon na nauugnay sa kanilang partikular na industriya at makakatulong sa kanilang Negosyo.
Gayundin, sinabi ni Fernandez na aktibong susubaybayan ng PSTO-Pangasinan ang progreso at pagpapatupad ng mga pinondohan na proyekto upang mapakinabangan ang positibong epekto ng pagpopondo sa lokal na ekonomiya at sa pangkalahatang tanawin ng negosyo sa Pangasinan. | ifmnews
Facebook Comments