DALAWANG MUNISIPALIDAD SA REHIYON DOS, IDINEKLARANG DRUG-CLEARED

CAUAYAN CITY- Idineklara ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing (ROCBDC) ang bayan ng Delfin Albano, Isabela at Pamplona, Cagayan bilang drug-cleared municipality.

Ang programa ay pinangunahan ni Regional Director Levi Ortiz kasama ang mga tauhan ng DILG, PNP, DOH, at Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Tinalakay rin dito ang pagpapanatili ng verified drug-free status, pagpapanatili ng validated drug-cleared status, at resolusyon ng no active personality na binubuo ng pitong bayan sa Lambak ng Cagayan.


Ang mga ito ay nagpapakita sa masigasig na pagtutulungan ng mga tauhan ng mga otoridad laban sa iligal na droga.

Facebook Comments