Kalaboso ang dalawang personalidad na nagbebenta ng COVID-19 vaccines sa loob ng fast food chain sa Roxas Blvd. Branch Brgy. 76, Zone 10, Pasay City.
Kinilala ang mga suspek na sina Michelle Parajes, 35 anyos at Angelo Bonganay, 28 anyos.
Ayon kay Pasay City Chief of Police Col. Cesar Paday-os, naaresto ang dalawa makaraang magsagawa ng entrapment operation kung saan isa sa mga suspek ay nagpanggap na nurse.
Ibinebenta ang AstraZeneca, Sinovac at Pfizer sa social media sa murang halaga kung saan humihingi sila ng P50,000 para sa 56 vials ng vaccines na nagkakahalaga ng P120,000.
Paglabag sa R.A. 10175 o Cyber Crime Prevention Act ang kasong isinampa ng mga awtoridad laban sa mga suspek.
Facebook Comments