Dalawang nagbebenta ng droga, arestado sa lalawigan ng Quezon

37

Huli ang dalawang drug dealers matapos ang ikinasang anti-illegal drugs operation ng Quezon Police sa Sampaloc, Quezon Province kahapon.

Kinilala ang mga ito na sina Arnel Andaya Legion, 38-anyos, isang magsasaka na tubong Lucban, Quezon at residente ng Brgy. Bayongan, Sampaloc, Quezon; at Hobart Palad Villabroza, alyas “Tato”, 44-anyos na tricycle driver, residente ng Marcos Tigla, Brgy. 5, Lucban, Quezon.

Ayon kay Quezon Police Provincial Director Police Colonel Audie Madrideo, nagpanggap na buyer ang isa sa mga pulis dahilan para mahuli ang dalawa.

Nakuha sa mga susepk ang tatlong sachet ng shabu at ngayon ay nahaharap na sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments