Dalawang nahuling miyembro ng teroristang grupo na ISIS, ipapadeport pabalik sa Kuwait

Manila, Philippines – Ipapa-deportkaagad ng pamahalaan ang dalawang nahuling miyembro ng teroristang grupo na ISISdahil na rin sa kahilingan ng Kuwait.
 
Ayon kay Justice Sec. VitalianoAguirre II, ang mag-asawang suspek ay nahuli sa BCG, Taguig City mataposmakatanggap ng intelligence report ang mga otoridad na miyembro nga ng ISIS angdalawa.
 
Nakilala ang mga ito nasina Hussein Aldhafiri, Kuwaiti National at asawang si Rahaq Zina, isang SyrianNational.
 
Ang suspek na si Aldhafiriay sangkot umano sa paggawa ng pampasabog at kinumpirma rin ng pamahalaan ng Kuwaitna miyembro ang mga ito teroristang grupong ISIS.
  
Nakapasok ang dalawa sabansa mula sa Qatar at nakabiyahe na rin ang mga ito sa Davao City noong Enero.
 
Kaugnay nito,nagpasalamat naman si Aguirre sa immigration officers na naging alerto paramahuli ang dalawa at mapigilang makapaghasik ng kaguluhan.
 
Samantala, sinabi namanni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente na plano ng dalawa namagsagawa ng pambobomba sa Pilipinas.
 
Ayon naman kay B-IAssociate Commissioner Atty. Jose Carlitos Licas na dodoblehin pa nila angpagbabantay sa mga entry at exit points ng bansa.
 
 

Facebook Comments