Dalawang Nasa Drug Watchlist Timbog sa Reina Mercedes, Isabela

159

Reina Mercedes, Isabela – Timbog ang dalawang nasa drug watchlist matapos na makumpiskahan ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang drug buy bust operation ng PDEA Region 2

Ang dalawa ay nakilalang sina Honorato Balanza Jr y Gomez at Reonalyn Jamolin y Andres na may alyas na Joy.


Ang ikinasang buy bust operation ay ginawa sa harap ng Reina Mercedes Vocational and Industrial School (RMVIS), Barangay Tallungan, Reina Mercedes, Isabela noong madaling araw ng Agosto 13, 2017.

Sa impormasyong nakalap ng 98.5 DWKD RMN News Team, nakumpiska sa dalawa ang dalawang (2) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu na may halagang dalawang libong piso.

Haharap sina Balanza at Jamolin sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng RA 9165.

Facebook Comments