Dalawang negosyo center sa Negros Occidental, bubuksan ng DTI

Manila, Philippines – Bubuksan na ng Department of Trade and Industry sa darating na Biyernes (Nov.24) ang dalawa pang “negosyo Center” sa lalawigan ng Negros Occidental.

Ang negosyo center ay bubuksan sa La Castillana, habang ang isa pang negosyo center ay bubuksan sa ika 12 ng Disyembre sa bahagi ng Inubaan sa nasabi ring lugar.

Ayon kay DTI provincial director Leah Gonzalez, ito na ang ika-anim at ika-7 na negosyo center na kanilang binuksan sa lalawigan ngayong taon.


Ang iba pang centers ay matatagpuan sa Cauayan, Himamaylan, E. D Magalona,Tagum City at Sipalay.

Sinabi ni Gonzales na nais ng DTI na makapagbukas ng 10 pang negosyo center ngayong taon.

Gayunman kailangan pang tukuyin ang mga lugar na pagtatayuan nito.

Ilan sa mga serbisyo na maaaring iproseso sa negosyo center ay pagpapa-rehistro ng negosyo, training center para sa micro –small medium enterprises at business consultancy.

Facebook Comments