Dalawang Nigerian, arestado matapos makuhaan ng kush at shabu sa raid ng PDEA sa Mabalacat, Pampanga

27

Arestado ang dalawang Nigerian at apat na Pinoy matapos salakayin ng mga operatiba ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Mabalacat, Pampanga.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanuevana ang mga suspek na sina Kingsly Anaelechi, Nigerian national, 37-anyos; Nelson Okafor Jr., Nigerian national, 25; April Wright y Merino, 25-anyos ng San Juan St. Villa Teodora Dau Pampanga; Eric Desuyo y Canora, 29; Norwin Carpio y David, 20 at Ralph Joseph Yalung y Vitug, 25.


Isinagawa ang buy-bust operation sa San Juan St. Villa Teodora, Barangay DAU, Mabalacat, Pampanga

Nasamsam sa anti-drug operation ang 30 gramo ng shabu na may estimated value na P204,000.00; 30 grams ng dried marijuana leaves na may halagang P3,600.00; at 2 grams ng high grade marijuana o kush na may value na P2,000.00 at mga assorted drug paraphernalia.

Ang mga naaresto ay nahaharap ngayon ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Facebook Comments