Dalawang NPA at 17 Militia ng Bayan, Sumuko sa 77th at 54 IB Mountain Provice!

Kiangan, Ifugao – Labing pitong militia ng bayan at dalawang miyembro ng New Peoples Army o NPA ang boluntaryong sumuko kahapon sa pamunuan ng 77th at 54th Infantry Battalion sa Sitio Marat, Poblacion, Paracelis Mountain Province sa oras na alas dos ng hapon ,

Sa ipinarating na impormasyon sa RMN Cauayan ng 54th IB ang pagsuko ng mga militia ng bayan at dalawang miyembro ng NPA kasama ang bitbit na dalawang high powered fire arms ay sa pamamagitan ng negotiating team ng 54IB, Alfa Company 77IB, Paracelis Municipal Police Station at sa koordinasyon ng mga lokal na opisyal ng Saliok, Natonin Mountain Province sa pangunguna ni Barangay Captain Enrique B. Banggolay.

Isinagawa agad ang debriefing sa mga sumuko na mula sa Mountain Province at Cagayan Valley sa pamamagitan ni LTC Narciso B. Nabulneg Jr., ang Commanding Officer ng 54IB.


Ayon kay Barangay Captain Banggolay, nangako umano ang mga sumuko na iiwan na nila ang kanilang sinumpaan sa makakaliwang grupo at makikiisa na sa gobyerno.

Samantala hindi pa umano maaring ilabas ang pagkakakilanlan ng mga sumuko bilang proteksyon sa mga ito.

Facebook Comments