Dalawang NPA patay, 12 matataas na armas narekober sa sagupaan sa Camarines Sur

Nasawi ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang nangyaring sagupaan Barangay Bongalon, Sagñay, Camarines Sur.

Ayon kay Captain John Paul Belleza, tagapagsalita ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nagpapatrolya ang mga miyembro ng 83rd Infantry Battalion sa may Barangay Bongalon nang makasalubong at makasagupa ang nasa 20 miyembro ng NPA.

Tumagal ng 30 minuto ang sagupaan bago nagsitakas ang mga NPA.


Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng sagupaan ang labi ng mga nasawing NPA at 12 mga matataas na kalibre ng armas.

Bago ang sagupaan nakatanggap ng ulat ang militar sa ginagawang recruitment sa barangay ng mga NPA kaya agad ikinasa ang operasyon.

Facebook Comments