Dalawang NPA, patay sa engkwentro sa Masbate

Nasawi sa pakikipagbakbakan sa pinagsanib na pwersa ng 2nd Infantry “Second to None” Battalion at Philippine National Police (PNP) ang dalawang teroristang komunista sa Barangay Miabas, Palanas, Masbate, kamakalawa.

Aabot sa tinatayang 20 New People’s Army (NPA) ang nakaengkwentro ng militar na isinumbong ng mga residente na mga may planong umanong magsagawa ng pangingingikil at pagre-recruit sa lugar.

Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa panig ng gobyerno sa nangyaring engkwentro.


Narekober ng mga tropa sa encounter site ang isang M16 rifle, isang granada, dalawang claymore mines, limang anti-personnel mines, ilang mga kasangkapan sa paggawa ng pampasabog, sari-saring mga bala, mga kagamitang pangkomunikasyon, at mga subersibong dokumento.

Kinondena ni Maj. Gen. Alex Luna, Commander ng 9th Infantry (SPEAR) Division at Joint Task Force Bicolandia, ang patuloy na pagpapalano ng mga CTG sa pagsasagawa ng mga mapagsamantalang aktibidad at ang paggamit ng anti-personnel mines na nakakasira ng katahimikan sa Masbate.

Facebook Comments