Dalawang NPA, sumuko sa militar at pulis sa Saranggani Province

Kusang loob na sumuko sa mga sundalo at pulis ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Kalaneg, Maitum, Sarangani Province.

Ayon kay Lieutenant Colonel Lino Capellan, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) Region 12, isinuko rin ng dalawa ang kanilang isang garand rifle na may walong live ammo at isang unit ng Smith & Wesson caliber .38 revolver na may anim na live ammunition.

Isasailalim naman sa debriefing ang dalawang sumukong rebelde.


Bago ang kanilang pagsuko, una nang sumuko nitong June 15, 2020 ang sampung NPA sa Lake Sebu, South Cotabato, bitbit din ang kanilang mga armas.

Batay ulat ng PNP Region 12, noong May 28, 2020, apatnapu’t apat na NPA ang sumuko rin sa PNP sa Kiamba, Sarangani Province.

Facebook Comments