Dalawang OFWs na nasa kritikal na kalagayan matapos ang sunog sa isang gusali sa Kuwait, ligtas na

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa ligtas nang kalagayan ang dalawang Pinoy na nasa ICU sa ospital sa Kuwait matapos ang sunog sa kanilang tinitirahang gusali doon.

Ayon sa DMW, nailipat na sa regular room ang dalawang overseas Filipino Workers (OFWs).

Tiniyak naman ng DMW ang patuloy na pagtutok ng kanilang mga tauhan sa kalagayan ng dalawang Pinoy.


Una nang naiuwi kahapon ang labi ng 3 OFW na nasawi sa sunog sa residential building sa Kuwait.

Facebook Comments