
Tatlong magkakahiwalay na operasyon ang isinagawa sa Urdaneta City at Aguilar, Pangasinan, na nagresulta sa pag-aresto ng mga suspek at pagsamsam ng droga.
Sa Brgy. Poblacion, Urdaneta City, nasamsam ang 6 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may estimate value na ₱40,800, pati na rin ang iba pang drug paraphernalia at pera. Siyam na lalaki mula sa Urdaneta City ang naaresto at kasalukuyang nasa kustodiya ng Urdaneta CPS para sa kaukulang kaso.
Sa bayan ng Aguilar, bandang 10:10 ng gabi, naaresto ng Aguilar MPS sa pakikipagtulungan ng PDEA RO1 ang isang 38 anyos na lalaki sa buy-bust operation.
Nasamsam ang 3.1 gramo ng pinaghihinalaang shabu at isang motorsiklo bilang ebidensya.
Ayon sa pulisya, ang mga operasyon ay bahagi ng kanilang patuloy na kampanya laban sa droga at krimen sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










