Isabela – Patay ang dalawang opisyal ng barangay habang sugatan ang isa nilang kasama matapos tambangan sa Brgy. Annanuman, San Pablo, Isabela.
Nakilala ang mga nasawi na sina Barangay Treasurer Rey Mabborang at Bonifacio Lumabi, isang tanod habang sugatan si Kingberly Antonio, mga residente ng barangay Dalena.
Sa imbestigasyon,sakay ng isang owner type jeep ang mga biktima papuntang Cabagan, Isabela nang bigla silang pinagbabaril ng limang kalalakihan.
Agad na tumakas ang mga suspek sa hindi mabatid na direksyon kung saan nakaligtas naman sa insidente si Barangay Captain Bricio Gammaru.
Facebook Comments