Dalawang opisyal ng BOC sa Subic at isang broker, pina-contempt ng Senado

Ipina-contempt ng Senate Committee on Agriculture ang dalawang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na nakatalaga sa Subic at isang broker dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig tungkol sa mga smuggled na agricultural product.

Ang mga na-cite in contempt ng komite ay sina Port of Subic Customs Deputy Collector for Assessment Andrew Calixihan, Customs Operations Officer III Mary Anabelle Gubaton, at broker na si Erwin Pascual.

Ipina-contempt sila ni Agriculture Committee Chairman Kiko Pangilinan matapos na magsinungaling si Calixihan tungkol sa nangyari noong June 27 kung saan tatlong truck ng produkto mula Subic na idineklarang chicken poppers pero ang totoong laman ay sibuyas at frozen mackerel.

Si Gubaton naman ay sinasabing isa lang na container na na-underguard ang nailabas sa port nang walang documentation pero sa testimonya ng mga truck drivers ay wala silang nakitang taga Customs noong inilabas ang mga container.

Si Pascual naman ay nakita ni Pangilinan na nagsinungaling sa testimonya na tinuruan lang sa negosyo ang pamangkin na food delivery rider kaya inilistang broker.

Inihalintulad ng senador sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang sabwatan ng smuggling sa BOC dahil nakikipagsabwatan ang mga Chinese smuggling syndicates at kaya namamayagpag sa bansa ay dahil mga Pilipino ang mga protektor at hindi malabong may mga taga gobyerno pa.

Facebook Comments