Dalawang opisyal ng LTO Region 8, arestado ng PDEA

Arestado ang dalawang opisyal ng Land Transportation Office Region 8 sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng PDEA Region 8 kagabi.

Nakilala ang suspek na si Francisco Cahayag, na isang LTO Inspector. Nakuha sa suspek ang apat na sachet na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalagang P2,000 at 1,000 peso bill na ginamit na buy-bust money.

Kinilala din ang isang suspek na si Roberto Muertegui na isa ding LTO Inspector. Nakuha kay Muertegui ang isang sachet na pinaghihinalang shabu at 500 peso bill na ginamit na buy-bust money.


Ayon kay PDEA Region 8 Regional Director Edgar Jubay, ang dalawa ay newly identified drug suspect at kinukonsiderang mga High Value Target ng PDEA.

Sa panayam naman ng RMN kay LTO Regional Director Edgar Catarungan, maliban sa kasong kriminal ay kakasohan din ng LTO ng administrative case ang dalawa. Ayon sa kanya ay matagal nang empleyado ng LTO ang dalawang suspek.

Dagdag pa niya, mas mabuti daw ito para malinis ang imahe ng kanilang departamento.

Nahaharap si Cahayag sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng R.A 9165 at section 5 naman kay Muertegui.

Facebook Comments