Dalawang Opisyal ng Pulis sa Cagayan Valley, Promoted sa bagong Ranggo

26

Cauayan City, Isabela- Nanumpa na ang dalawang opisyal ng kapulisan mula sa Isabela Police Provincial Office at Santiago City Police Office para sa kanilang promotion bilang Police Lieutenant Colonel (PLTCOL).


Ito ay batay sa utos sa ilalim ng General Orders number NHQ-GO-PR-2020-1057 National Headquarters, Philippine National Police.

Kinilala ang ambag ng dalawang opisyal na sina PMAJ. Pepito Agustin Mendoza Jr. at PMAJ. Alexander Bou Rodrigo dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho.

Pinangunahan ni PRO2 Director PBGen. Angelito Casimiro ang donning of rank insignia sa dalawang opisyal kaninang umaga.

Inihayag naman ng dalawang promoted PNP official ang kanilang pasasalamat sa pamunuan ng PRO2 sa ibinigay na pagtitiwala at suporta sa kanilang trabaho.

Hinamon naman ni PBGen. Casimiro ang dalawang pulis na ipagpatuloy pa rin ang kanilang nasimulan sa pagpapatupad ng propesyonalismo habang ginagawa ang kanilang trabaho.

Si PLTCOL. Mendoza ay kasalukuyang nakatalaga sa Isabela PPO habang si PLTCOL. Rodrigo ay pinuno ng City Intelligence Branch ng PNP Santiago City.




Ang dalawang opisyal ay parehong nagtapos sa PNP Lateral Entry Class of 2006.


Facebook Comments