Dalawang ospital na pagdarausan ng pagbabakuna sa menor de edad sa Taguig, alamin!

43

Dalawang ospital na ang pagdarausan ng pagbabakuna ng menor de edad sa Taguig na edad 12 hanggang 17 anyos.

Ayon sa anunsyo ng Taguig City government, ito ay kinabibilangan ng St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City at Medical Center Taguig.

Ang pediatric vaccination sa St. Luke’s Medical Center ay magsisimula sa Lunes, Oktubre 25 habang sa Oktubre 26 naman sa Medical Center Taguig.


Kaugnay nito ay hinihikayat ng Taguig Local Government Unit (LGU) na iparehistro ang mga kabataan sa trace.taguig.gov.ph para magkaroon sila ng schedule ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa ngayon ay tanging Pfizer at Moderna vaccines pa lamang ang pinapahintulutan ng Department of Health (DOH) para maibigay sa mga edad 12 hanggang 17.

Facebook Comments