Malabo nang magkasundo ang dalawang paksyon ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Ito ay matapos ideklara ni Senator Manny Pacquiao ang kaniyang pagtakbo para sa pagkapangulo sa 2022 election.
Ayon kay PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag, dahil sa mga banat ni Senator Pacquiao sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay imposible nang magkaayos ang dalawang paksyon.
Kapwa ipapaubaya naman ng dalawang paksyon sa Commission on Election (Comelec) na magpasya kung anong paksyon ng partido ang kikilalanin.
Samantala, ayon naman kay Atty. Lutgardo Barbo, Vice Chair ng PDP-Laban Pacquaio wing na hindi porke’t nasa pwesto ang karamihan sa kabilang kampo ay sila na ang masusunod o maghahari-harian sa partido.
Pero ayon sa Comelec Spokesperson James Jimenez, posibleng dalawa ang maging kandidato ng PDP-Laban mula sa magkabilang paksyon tulad nung nangyari noon.
Sa ngayon, hindi na ikinagulat ng paksyon na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi na nang pormal na ianunsyo ni Pacquiao ang pagtakbo nito sa May 2022 presidential elections.