Pasok ang dalawang paliparan ng Pilipinas sa Best Airports in Asia para sa taong 2019.
Base sa Airport Sleepers’ Guide and Resource Website na Sleepingairports.net, kabilang sa Top 20 Best Airports in Asia ang Mactan-Cebu International Airport na nasa ika-16 na pwesto habang nasa ika-18 pwesto Ang Iloilo International Airport.
Nangunguna sa listahan ang Changi Airport ng Singapore.
Ang Sleepingairports.net ay itinatag noong 1996, kung saan nira-ranggo ang mga best at Worst Airports mula sa Annual Survey na isinusumite ng mga readers.
Ang ranggo ay ibinabase sa Airport Experience ng reader pagdating sa Comfort, Services, Facilities, Food Options, Immigration, Security, Customer Sercice, Navigation at Ease of Transit, Cleanliness, at Sleepability.