𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗚𝗞𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗚𝗟𝗢𝗕𝗔𝗟 𝗜𝗧 𝗖𝗛𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡𝗚𝗘 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗘𝗧𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡

Isa nanamang tagumpay ng probinsya ng Pangasinan ang nasungkit ng dalawang Pangasinense na kabilang sa Youth with Disabilities na sina Dave Soriano at Mark John Reynoso ang GOOD AWARD 2nd placer sa naganap na Global IT Challenge sa Dubai, UAE noong October 24-29 ngayong taon.
Labis na ikinatuwa ng kanilang pamilya at Team Philippines lalo na ang team Pangasinan ang tagumpay na ito. Ang nasabing kompetisyon ay kinabibilangan ng 481 participants, 18 countries mula sa Asia at Pacific.
Samantala, si Dave Soriano ay tubong Alaminos City, isang Grade 12th student ay nag- aaral sa Alaminos City National High School. Si Mark Reynoso naman ay galling sa bayan ng Bayambang at Grade 12th student rin na kumukuha ng kursong Major in ICT sa Bayambang National High School.

Ang kanilang physical disabilities ay hindi hadlang para sa kanilang mga tagumpay sa buhay na gusto pa nilang makamit. Kaya naman idols, mula rito sa IFM DAGUPAN, Congratulations! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments