DALAWANG PANIBAGONG KASO NG COVID-19, NAITALA SA WESTERN PANGASINAN

ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Kinumpira kahapon ng PHO ang pagiging positibo ng dalawang mga residente ng Alaminos City sa sakit na COVID-19 matapos lumabas ang resulta sa kanilang PCR test. Ayon sa hepe ng Provincial Health Office Dr. Anna De Guzman, agad na dinala sa isolation facility ang dalawang pasyente alinsunod sa standard operating procedures ng DOH.

Sa inilabas na profile ng PHO hinggil sa dalawa kataong nag-positibo, lumalabas na sila ay may travel history mula Metro Manila bilang mga fish dealer at nasa edad 35 mula Brgy. Bolaney at edad 40 mula Brgy. Polo. Agad ding isinailalim ang mga barangay kung saan galing ang dalawang nag-positibo sa COVID-19 simula kahapon hanggang June 15, 2020 upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa ngayon, hiniling ng lokal na pamahalaan sa publiko na huwag pandirihan ang mga nag-positibo bagkus ay ipagdasal na lamang na gumaling ang mga ito.


Facebook Comments